answersLogoWhite

0


Best Answer

Nagising kay Battling Kula sang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasiya kung nararapat sumuko sa simbuyo ng kamalayang iyon.

Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-aalimpuyong alikabok.

Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito… sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol.

"Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya.

Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa pagbaba-pagtaas ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y isang laruang may kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang panghaharot ng kanyang kapwa bata.

Read more: Mabangis_na_kamay_maamong_kamay

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
Di nmn mapindot ung read more,,
User Avatar

saisaara delacruz

Lvl 1
3y ago
buod po ba ito?
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

anu ang ibig sabhin ng kwentong maamong kamay mabangis na kamay?

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

13y ago

MABANGIS na KAMAY… MAAMONG KAMAY

ni Pedro S. Dandan

Nagising kay Battling Kula sang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasiya kung nararapat sumuko sa simbuyo ng kamalayang iyon.

Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-aalimpuyong alikabok.

Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito… sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol.

"Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya.

Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa pagbaba-pagtaas ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y isang laruang may kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang panghaharot ng kanyang kapwa bata.

Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Battling Kula sang isang pamalo sa tabi ng kanilang hagdanan at hinabol niya ang mga batang nangagsikarimot ng takbo. Bumagtas ang mga bata sa tulay at Hindi na sumunod si Battling Kulas. Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa mukha ang dalawang bisig.

"Hindi po ako… sila po, sila…" Nasilip ni Arya Ito sa pagkakapuwang ng kanyang ma bisig na napalis ang mga nambubuska at napangisii siya… ngising naging walang gatol na halakhak.

Umiiling na tinungo ni Battling Kula sang harapan ng kanilang bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito samantalang itinataas ang tiklis sa gabay ng tulay. Nakadadalawang hakot na si Arya Ito. Nais niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol… gayong batid niyang mapanganib magtapon nang basura sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng buhay sa kanilang pook ang magkasaping trangkaso't iti.

Isang lingo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa libingan sa lunsod bunga ng tila ibig kumalat na salot. Isang araw lamang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang anak ni aling Bestrang nakatira sa ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang dumadalaw sa bahay-bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga pook na marurumi. NAtitigatig na rin siya ng usap-usapang tila kolera ang kumakalat na sakit…

Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya Ito ang laman ng tiklis. MAghapong maghahakot ng basura ang kanyang anak… maghapon?

Nagtungo rin si Battling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang bahay na pawid at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid sa kanyang balat. Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa kanyang anak. Nguni… sa kanyang nakalipas ay makabubuo siya ng isang makatarungang pasiya… makatarungan…

Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak… sapukin mo! Sige pa… sa bodega… sa panga… Pak!... Dumaun… Isa..dalawa…tatlo…apat…Panalo na si Battling Kulas…Panalooo!

Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba, Hindi na yata gigising. Napatay yata. Hindi na humihinga si Moro… Napatay ni Battling Kulas…

Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan, "Napatay ni Battling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."

Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati: sa kapirasong buhay na nagmumula sa kanya….

Mabuhay! Anak ng kampyon…ito ang kahalili ko! Amang kampyon… anak ng kampyon…Benito…Benito…Benito ang ibibigay kong pangalan sa aking bunso. Isusunod ko sa tunay na pangalan ni Moro, bilang paggunita sa aking maningning na tagumpay."

Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit ang kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at kasukasuan, kaya wala pang isang taon si Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo siyang madalas ng kanyang manedyer na Amerikano. "A boxing champ starts young," sabi nito. Panay yes lamang ang kanyang panugon kaya kasundong-kasundo sila.

Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong NASA kalikutan na. Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda ni Benito ang karamdaman.

Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao… Sumama silang mag-asawa sa banal na paglalakbay sa Antipolo. Namata kay San Pascual Baylon. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod sa Kiyapo. Sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na paghimalaan ang kanilang bunso.

Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang kapangyarihan….nasaan? Muli niyang nasumpungan iyon…sa payo ng isang matandang babaing magkakandila.

Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking anak?

'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro bang kalakalin mo ang iyong kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin mo sa suntok ang iyong kalaban dahil lamang sa salapi.

Nagunita niya si Moro. ANg mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't anak ni Moro.

Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang manedyer nang itakda ang lalong malaking pakikipagsagupa niya sa ring.

Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging kampyon. Ayaw na niya…at nakapagtalalan naman si Benito…nakalakad…

Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan. Lumaboy ito sa kawalang-tiyak, kaya tumitigas-tigas ang mga buto…ang mga laman - ngunit inaaba din ng mga kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga kapwa bata…

Lunikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang mga pang-ayon na yaon sa kanyang anak…ng isang malupit na pagkahabag, gumising sa kanya ng simbuyo ng kamalayang tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan.

Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik. Idinantay ang kanyang mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na makahinga…Hindi na! Bigla niyang inangat ang kanyang bisig. Tila naalimpungatang nagbangon at nanaog. Tinungo ang isang poste sa tabing-daan at sinuntok…duguang nabilad ang buto ng kamao sa nanisnis na balat.

Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang pagsuligi sa kanyang isip. Ang patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng kakatuwang budhi…

Mariing pumikit si Battling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng sahig. Humawak siya sa gilid ng papag…namutla ang kanyang kamao sa pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito. Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga taynga: Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang Hindi kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil… maysilbi.

Nagtindig sa Battling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng tauhan ng kalusugang-bayan. Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi siya ng alak sa tindahan ni Tsikito, at tinungga. Susuray-suray na nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling nahiga…

Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo na ang mababagsik na lamok mula sa pinamumugarang ilug-ilugan. Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong ng ilang kapitbahay ay nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang mga baboy sa tabi ng pakainan.

Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang kanilang paminggalan… Subali…nasulyapan niya ang malaking katawan ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-kilos. Pumanhik siya.

Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at tinabihan. Pinagmasdan niya sa paghihilik. At inunan niya ang kanyang nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang iyon ay waring naibibilanggo niya ang kabangisan… ang pagpupumiglas. Naghuhulagpos din ang mga daliri ng kanyang kanang kamay, napapakuyom> Nagbangon siya… at tinungo ang pasugalan ng Tandang Pruto.

Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si Arya Ito! Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Patakbu0-takbo siya sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa malaks at sunud-sunod na pagtawag niya ng, "Arya Ito…Anak ko… anak ko!"

Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya Ito. Napadalas ang kanyang mga paa… Hindi man niya lubusang mahugisan sa karimlan ang aninong kumikilos sa ibabaw ng malaking bunton ng basura sa may puno ng tulay ay lumutang sa katahimikan ang isang tinig na humihuni-huni, at natiyak niya na nasa tambakan ang kanyang anak. NAgtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura.

"Umuwi ka, Ito…Umuwi ka…nilalagnat…"

"Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni arya Ito ay pinalo siya ng isang putol na kahoy.

Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Battling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsugpa niya kay Moro. Pumutok ang pilat at humilam ang tumigis na dugo sa kanyang isang mata. Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.

Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang namulat sa isang nakahihindik na bangungot….

Hindi na humihinga ang kanyang anak!

Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito, nilukuban sa mga bisig ng kanyang dibdib.

Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga yabag at sigawan ng dumalong mga kapitbahay. Ngunit Hindi rin siya nagtaas ng mukha. Patuloy na minamasdan niya si Arya Ito - ang mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong umaga at ang pasa sa puno ng leeg.

Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang luha sa kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig niya ang pagkasanggol ni Arya Ito.

Nagkurus si Battling Kulas.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Maikling katha

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: What is the story about mabangis na kamay maamong kamay?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What is the English of the tagalog word kamay na bakal?

may kamay ba na bakal? tanga lng. haha tawa kapa ang saya. kamay na bakal sampal mo sa mukha mo. -bor


Ano ang mahahawak ng kanang kamay mo na di kayang hawakan ng kaliwang kamay mo?

kaliwang siko


Kumpas ng kamay na makikita sa pagtatalumpati?

2/2


Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan sa mabangis na lungsod?

Yiee!!! Alam ko gusto mo na tingnan answer key mo! Sige na tingnan mo na! Wag feeling genius Charot! Hahaha!


Tagpuan ng mabangis na lungsod?

Ang "Tagpuan ng Mabangis na Lungsod" ay isang panulat ni Efren Abueg na naglalarawan ng karanasan ng isang pangunahing tauhan sa isang marahas at mapanganib na lungsod. Ito ay nagpapakita ng paglaban sa kahirapan at kawalang-katarungan sa mga urbanong lugar.


What are some examples of short stories written by Efren Reyes Abueg?

Mabangis na Lungsod Sa Bagong Paraiso Pilipinas bagong siglo


Ano ang suliranin sa mabangis na lungsod?

sinu ang mga tauhan ?


Penmanship in tagalog?

Sa Tagalog, ang penmanship ay tinatawag na "palamagang kamay" o "pasulat na kasanayan." Ito ay tumutukoy sa kung gaano kaayos at kagandahan ang pagkakasulat ng isang tao. Maganda at malinaw na penmanship ay mahalaga sa pagpapakita ng kaayusan at pag-unawa sa mga sinusulat.


Salitang kastila na may katumbas sa wikang filipino?

"Libro" - aklat, "Plato" - pinggan, "Kamay" - kamay, "Buhok" - buhok


Sino si agueda kahabagan?

Madalas nakasuot ng puti habang nakikipaglaban, si Agueda ay lumaban sa puwersang kastila sa Laguna na may tangang baril (rifle) sa isang kamay at bolo naman sa kabilang kamay . Siya ang tanging babae na opisyal na kinilalang isang "heneral" ng army officials ng Republika.


Ano ang ibig sabihin ng iniluklok?

Nakaupo na nakataas ang mga tuhod na halos abot ang baba habang nakayakap ang mga kamay sa mga binti


What is that song that goes here's a story about a girl continues with words I don't know na na na?

The song is "Absolutely (Story Of A Girl)" by Nine Days.