Mahirap lamang ang pamumuhay ni Pinkaw. Siya ay isang
mangangalakal ng basura at sa paghahalungkay dito niya kinukuha ang
kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Mayroong tatlong anak si
Pinkaw. Ito ay sina Poray, Basing at Takoy. Si Poray ang panganay na
napakatangkad sa eded na labintatlong gulang. Si Basing naman ay isang
sungi at si Takoy, ang bunso, na maputi at guwapo. Si Pinkaw ay isang
byuda na. Namatay ang asawa nito sa sakit na epilepsy habang
pinagbubuntis ang bunsong anak. Dahil sa iba’t-ibang itsura at kutis ng mga
anak ni Pinkaw ay pinaghihinalaan ito na iba’t-ibang lalake ang ama ng
kanyang mga anak.
Minsan ay nagkasakit ng el to si Basing. Pumunta si Pinkaw sa Tsinong
Tagabili ng kanyang kalakal upang mangutang ng pampa-ospital sa
kanyang anak na may sakit. Papautangin na sana ito ng Tsino ngunit
mayroongisang kondisyon na hindi nagustuhan ni Pinkaw. Umuwi na lang
si Pinkaw sa kanilang bahay at pinainom ng pinakuluang dahon ng bayabas
ang kanyang anak at ito’y gumaling.
Sa basura na rin kumukuha ng makakain ang mag-anak. Isang araw,
matapos nag-agahan ang pamilya, ay namilipit sa sakit ng tiyan ang tatlong
anak ni Pinkaw. Kung saan-saan nakarating si Pinkaw, humingi ng tulong
dala sakay ang kanyang mga anak sa kariton.
Walang tigil sa pagtulak ng kariton si Pinkaw at nakarating rin sila sa
pambansang ospital. Pagdating nila doon ay wala pa ring pumapansin sa
kanila kahit ang mga doktor at mga nars. Matapos ang pagtuturuan ng mga
doktor at nars ay binigyan ng gamot ang dalawang anak ni Pinkaw. Nang
gumabi’y ay binawian ng buhay si Poray, ang panganay na anak ni Pinkaw
at paglipas ng dalawang araw ay sumunod na namatay ang bunsong anak
nito.
Dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak ay tila nawala na sa katinuan si
Pinkaw. Madalas itong palakad-lakad sa klasada habang hinihele ang isang
lata biskwit at tinutukso ng mga tao.
Chat with our AI personalities