Ang Dula ay isinulat upang itanghal sa mga manonood, hindi upang basahin lamang ng mahina o malakas sa silid-aralan. Ang manunulat ng dula ay karaniwan na nagiging anino na lamang ng mga tauhan. Ang bawat salita ng mga tauhan ay binibigkas o ipinararating sa mga manonood ng mga nagsisiganap. Ito ang diyalogo o pag-uusap ng mga tauhan na binibigyang buhay ng mga aktor.
Ang dula ay binubuo ng mga sumusunod na elemento: (1) mga tauhan, (2) tagpo, (3) buod ng salaysay o ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, (4) tema o paksa,(5) mensahe, (6) estilo, at (7)paraan ng pagsasalaysay.
Chat with our AI personalities