answersLogoWhite

0

santiago,san antonio,concepcion,Trinidad at Victoria (ang nakapunta sa pilipinas ay ang Victoria ngunit ang victoria din ang nakabalik sa Spain at iba na ang naging henete nito nung naka balik sa spain wag kayong maniwala na ang bumalik sa spain ay ang trinidad)Ang barkong trinidad ay ninakaw..Ang barkong san antonio ay sinunog...Ang barkong conception ay nasira dahil sa bagyo..Ang barkong victoria lamang ang nakauwi at ang barkong santiago ay umuwi..

User Avatar

Wiki User

9y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

BeauBeau
You're doing better than you think!
Chat with Beau
DevinDevin
I've poured enough drinks to know that people don't always want advice—they just want to talk.
Chat with Devin
RafaRafa
There's no fun in playing it safe. Why not try something a little unhinged?
Chat with Rafa
More answers

Victoria,Trinidad,Concepcion,Santiago,San Antonio

User Avatar

Myan Khalil

Lvl 2
4y ago
User Avatar

espanyol

User Avatar

Ang limang barko na ginamit ni Ferdinand Magellan sa kanilang paglalakbay ay ang barkong Trinidad, San Antonio, Concepcion, Santiago, Victoria.

  1. Barkong Trinidad- isang maliit na barkong pampaglalayag na napakadaling pakilusin o maneobrahin. 110 tonelado, 55 tripulante ang sakay sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Magellan.

  2. Barkong San Antonio- 120 tonelada, 60 tripulante ang sakay na pinamunuan ni Juan de Cartagena.

  3. Barkong Concepcion- 90 tonelada, 45 tripulante ang sakay na pinamunuan ni Gaspar de Quesada.

  4. Barkong Santiago- 75 tonelada, 32 tripulante ang sakay na pinamunan ni Juan Serrano.

  5. Barkong Victoria- Ang barkong Victoria ang tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon. 85 tonelada, 43 tripulante ang sakay na pinamumunuan ni Luis Mendoza. Ang arkong ito ay ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan nanumpa ng katapatan si Magellan kay Haring Carlos V.

Noong Agosto 10, 1519, sa pamumuno ni Ferdinand Magellan ang limang barko ay lumisan sa Sevilla Espanya at sila ay naglakbay patungo sa ilog ng Guadalquivir patungong Sanlucar de Barrameda sa bukanan ng ilog. Nanatili sila doon ng higit sa 5 linggo.

Sino si Ferdinand Magellan? Si Ferdinand Magellan ay isang eksplorador na Portuges. Ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, sa bansang Portugal. Siya ay anak nina Rodrigo de Magalhães at ni Alda de Mesquita. Nag-alok ng paglilingkod sa hari ng Espanya sa pamamagitan ng pamumuno niya sa isang ekspedisyon. Ito ang paghahanap ng bagong ruta patungong Moluccas Islands na kilala rin bilang “Spice Islands”. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag na nagmula sa Europa pakanluran patungong Asya. Siya rin ang unang Europeo na nakatwid sa Karagatang Pasipiko, at nanguna sa unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan nila ni Lapu-lapu sa Mactan

Mga Pangyayari sa Paglalakbay ni Ferdinand Magellan Agosto 10, 1519- ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong Sanlucar de Barrameda sa bukanan ng ilog.

Setyembre 20, 1519- naglayag ang grupo ni Magellan.

Nobyembre 28, 1519- ang ekspedisyon ay tumawid sa ekwador.

Disyembre 6, 1519- natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika.

Disyembre 13, 1519- Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magallanes ito at nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro.

Enero 10, 1520- Narating ng armada ng Rio dela Plata.

Marso 30, 1520- itinatag ni Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian.

Abril 1, 1520- isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko.

Oktubre 21, 1520- narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain.

Nobyembre 1, 1520- Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos.

Nobyembre 2, 1520- Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya. Nobyembre 28, 1520- ang tatlong natitirang barko ay pumasok sa Timog Pasipiko.

Pebrero 13, 1521- Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador.

Marso 6, 1521- narating ang Marianas at Guam.

Marso 16,1521- natuklasan ang mga kabundukan ng ngayon ay Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating ang Homonhon.

Marso 25, 1521- si Magallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua.

Marso 31, 1521- ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua.

Abril 4, 1521- si Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu.

Abril 14, 1521- binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu.

Abril 28, 1521- si Magallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan ayon ito kay Pigafetta. Namatay si Magellan sa labanan nila ni Lapu-lapu.

1522- Si Del Cano armada ni Magellan ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Kahalagahan ng Paglalakbay ni Magellan

  1. Natuklasan na ang mundo ay bilog.

  2. Natuklasan ang bansang Pilipinas.

  3. Naipalaganap ang Kristiyanismo.

  4. Napatunayan ng kanyang ekspedisyon na kayang ikutin ang mundo.

  5. Natuklasan niya ang anyong-tubig na nag-uugnay sa Atlantic Ocean at Pacific Ocean na tinawag na Strait of Magellan bilang parangal sa kaniya.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang timeline ng ekspedisyon ni Magellan:

User Avatar

Nel UF

Lvl 7
3y ago
User Avatar

Victoria,Santiago,San Antonio,conception,trinidad.

User Avatar

Anonymous

4y ago
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang 5 barko na ginamit ni Ferdinand Magellan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp