1. Natututo tayo na maging isang responsableng mamimili o mabuting prodyuser. Napag-iisipan ng bawat indibidwal kung paano gagamitin ng maayos ang salapi at matututunan ang kahalagahan ng pagbabadyet.
2. Nauunawaan natin ang mga pangyayari na naganap at nagaganap na nakaiimpluwensiya sa ating pamumuhay at ng buong bansa.
3. Nakapagbibigay tayo ng matalinong opinyon at panukala kung paano mabibigyan ng solusyon ang mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng ating pamayanan at bansa.
4. Nakagagawa tayo ng isang matalinong desisyon upang matugunan natin ang pansariling suliranin na may kinalaman sa ating kabuhayan.
5. Nagiging mahusay tayong botante, sapagka't mas naiintindihan natin ang responsibilidad ng ating mga lider sa pagpapalago ng ating ekonomiya.
Ref: EKONOMIYA Para sa Mataas na Paaralan (St. Bernadette Publishing House Corporation)
Chat with our AI personalities