answersLogoWhite

0


Best Answer

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sapamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing.

Dahil sa mga nobela ni Rizal, nabuhay sa puso ng mga Pilipino ang kanilang galit sa pamahalaan maghimagsik at makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mapanlinglang na pamahalaan ng Espanya.

Sa kadahilanang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pasimuno ng rebelasyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para paaminin na si Rizal ay may-kaugnayan sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman siya sa rebelasyon. Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Sa Santo Tomas siya kumuha ng kursong medico. Sa paglagi niya rito, natutunan niyang hindi lahat ng tao ay pantay-pantay. Labis ang diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino rito. Minsan noong nagpupulong silang mga kapwa estudyanteng Pilipino ay inaway sila ng mga estudyanteng Español na ikinasugat ni Rizal. Ginamot ang sugat niya ng tatay ni Leonor habang si Leonor naman, na kanyang pinsan at kasintahan, ay pinayapa ang galit na puso ni Rizal.

Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno, relihiyon, kastilang kawani ng katarungan at karangalan ng Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay nakaugat sa katotohanan, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Ikinulong nila, pinatay nila, hinukay sa libingan, itinapon.. Ganyan ang ginawa ng mga Kastila sa karangalan at kasaysayan ng mga Pilipino. Tulad ng ginawa na pagpapahukay at pagpapatapon sa ilog ni Padre Damaso sa bangkay ng tatay ni Ibarra; pagkatapos niya itong tinanggap sa pamamahay nito at pakainin noong nabubuhay pa siya ay ganito pa ang iginanti sa ama.

Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay. Isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at gawaing sibiko. Makilala ang Pilipino bilang kapantay ng kastila.

Ikatlo ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin ang mas matimbang pa keysa pagmamahal sa kasintahan? Nagpunta sa iba't ibang lugar sa buong mundo, sinong nagtutustos saiyo? Isang lihim na organisasyon? Naalala ni Rizal bakit nga ba siya pumunta ng Europa. Pinapunta siya ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral doon ng medisina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya at malaya niyang maipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga kastila sa Pilipinas. Malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan. Ngunit paano si Leonor? Nasabi nalang ni Pasyano "Ang sarili mo nalang ba ang iisipin mo?"

Pagbabalik-tanaw..

Taong 1884 nang makarating siya sa Unibersidad Central de Madrid. Dito ay nag-aral siya ng medisina. Napatunayan niya na tama nga ang sinabi ng kanyang kuya Paciano na malayang magpahayag rito ang mga Pilipino. Kung nais nilang tawaging hunghang ang mga pari ay masasabi nila. Kung gusto nilang tawaging bobo ang gobyerno ay papalakpakan pa sila sa kanilang katapangan. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda. Isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sapamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating ng kilusan ang kanilang mga adhikain.

Habang sa Pilipinas, unti-unting ginigising ng Noli Me Tangere ni Rizal ang taong bayan, na panahon na ng pag-aaklas tulad narin ng sinabi ni Elias kay Ibarra. Dahil dito, upang hadlangan ang mga layunin ni Rizal, ipinagbawal at ipinasunog ng mga prayle ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere. Ginamit pa nila ang relihiyong Katoliko upang kontrolin ang mga Pilipino. Lalamunin nang apoy ang sinumang mapangahas, matakot na at magbalik loob na sa simbahan.

Enero taong 1891 nang bumalik si Rizal sa Pilipinas. Nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan ng maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.

Pagbalik ni Rizal sa Pilipinas ay itinatag niya ang La Liga Filipina. Isang pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi rito ay si Domingo Franco, Jose Ramos, Ambrosio Salvador at Andres Bonifacio.

Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa PIlipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar - sa Dapitan. Kapiling niya ay dagat. Animo'y isang malawak na tinta para sa isang manunulat na wala nang maisulat. Palibhasa, ang layunin niya ay layunin ng isang makata. Tulad ng mga alon, lumalapit, lumalayo. Kailanman ay hindi maaangkin.. Sa kabila nito, nakilala naman niya rito si Josephine Bracken.

Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais parin ng mga prayle na siya ay mamatay. Umabot pa sa pagpapalit sa Gobernador-heneral ng Pilipinas na si Blanco dahil siya ay naging malapit kay Rizal.

Sa kasalukuyan..

Ang sumunod na pinag-usapan ni Rizal at Taviel ay ang nilalaman ng El Filibusterismo. Totoo nga bang nag-iba na ang pananaw ni Rizal? Ang tanong ni Taviel. Na ayon narin kay Simoun sa kanyang nobela: "Hindi na sapat ang reporma. Hindi na sapat ang edukasyon at mga papel. Kailangan ay dugo". Hindi kaya ginamit niya lang ang kanyang mga nobela para makapaghiganti? Dahil nawalan siya ng kasintahan, nawalan siya ng pamilya, ng profession? Hindi kaya pinagtataksilan niya ang sarili niyang sining? Hindi niya nakikita ang katotohanan, nakikita lang niya ang sarili nitong ambisyon?

Ika-26 ng Disyembre, 1896

Araw ng paglilitis ni Rizal. Ito na ang magbibigay liwanag nang tunay na ugat ng rebolusyon. Sa panig ng manguusig, pinagbibintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa. At dahil din sa mga isinulat niya tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at mga iba't ibang uri ng sulatin na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at ng pamahalaang Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Pilipino. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan, sa apat na taon na paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nag sulat ng mga bagay na may koneksyon sa politika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama si Rizal sa rebolusyon, Hindi niya binigay ang kanyang basbas sa nasabing balak na pag-aalsa. Dahil hindi narin kailangan ng mga rebolusyonaryo ito. At sa huli sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.

Sa kasamaang palad ay minadali ang paglilitis at ang naging hatol kay Rizal ay kamatayan. Ang paglilitis ay isa lang panloloko.

Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang nanang at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling tula - ang Mi Ultimo Adios.

Ika-30 ng Disyembre, 1896

Araw ng kamatayan. Habang naglalakad patungo sa huling hantungan, naalala ni Rizal ang buhay niya sa Ateneo. Ang simula ng masasaya niyang araw. Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinagbigyan. Sa halip, hiniling na lang ni Rizal na huwag nalang patamaan ang kanyang ulo. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, nadeklarang Pambansang bayani si Rizal..

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Summary of rizal movie by Cesar montano?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

REaction paper for rizal the movie starring Cesar montano thanks?

The best way to write a reaction paper for "Rizal" the movie staring Cesar Montano is to focus on the reflection of Jose Rizal's imprisonment. The paper can be based on his actions while in prison leading up to his execution.


The characters of movie rizal by Cesar montano?

The movie Jose Rizal was released in July 1999 and starred Cesar montane. The characters included Jose Rizal, Simoun, Andres Bifacio, and Maria Clara.


What information do you have about Jose Rizal the movie?

Jose Rizal, the movie, depicts the mock trial of Jose Rizal that resulted in his execution. In the movie, Jose Rizal is played by Cesar Montano. The movie was directed by Marilou Diaz-Abaya.


What is the analysis of Jose Rizal by the movie of Cesar Montano?

The movie "José Rizal" starring Cesar Montano provides a dramatic portrayal of the life of the Philippine national hero, José Rizal. It focuses on Rizal's role in sparking the revolution against Spanish colonial rule through his writings and activism. The film highlights Rizal's patriotism, intellect, and unwavering commitment to fighting for the rights and freedom of the Filipino people.


Who are the cast of the movie Jose Rizal?

1998 biography of the man that inspired a revolution. Cesar Montano as Jose Rizal Joel Torre as Crisostomo Ibarra / Simoun Jaime Fabregas as Luis Taviel de Andrade Gloria Diaz as Teodora Alonzo Gardo Versoza as Andres Bonifacio


What roles did the actors play in the movie Jose Rizal?

1998 biography of the man that inspired a revolution. Cesar Montano as Jose Rizal Joel Torre as Crisostomo Ibarra / Simoun Jaime Fabregas as Luis Taviel de Andrade Gloria Diaz as Teodora Alonzo Gardo Versoza as Andres Bonifacio


Summary of Jose rizal the movie featured by albert martinez?

siya ay pinatay kahapon


Who are those charaCters in Jose Rizal the movie and what are they role?

Some characters in the movie Jose Rizal include Jose Rizal himself, depicting his life as a nationalist and martyr, Maria Clara symbolizing the ideal Filipina during that time, and Padre Damaso representing the corrupt clergy. These characters are essential in highlighting different aspects of Philippine society during Rizal's time and their interactions help drive the narrative of the film.


What is the summary of chapter 18 in Rizal life and works?

summary of chapter 18 in rizal's life and works


What is the summary of sunny Spain in 1882-1885 in Rizal life?

summarize the experience of rizal in ust


What is the summary of rizal and the ten pound sterling note?

Why was Rizal there? Who was with him?


Summary of Jose rizal chapter 14 Rizal in London?

because of you....hehe