kasukdulan is i dont know
kasukdulan ni mabui
nqanqa ka jake paul
ang ibang adarna
Tagalog of plot of the story: pangyayari sa istorya
Kabilang sa mga katangiang ikinaiiba nito ay ang pagkakaroon ng:iisang kakintalanmay isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang lutasintumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhaymay mahalagang tagpo o kakauntian nitomay mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas
1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakabuo ng mga pangyayari sa isang kuwento o akda. Ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa isang maikling kuwento ay tumutukoy sa banghay. Ito ay kadalasang may anim na bahagi: simula, suliranin, papataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon, at wakas. Ang simula ang naglalahad o naglalarawan ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin sa kuwento. Ang suliranin ang esensya ng kuwento. Hindi dadaloy at magiging kapana - panabik ang kuwento kung wala ito. Ang papataas na aksyon ay ang pagtugon ng mga karakter sa suliranin sa kuwento. Ang kasukdulan ang bahaging pinaka kapana - panabik sa kuwento. Ang pababang aksyon ay ang nagtataglay ng kakalasan ng kuwento. Dito nilalapat ang solusyon sa suliranin sa kuwento. Ang wakas ang huling bahagi ng kuwento na maaring masaya, malungkot, o nag - iiwan ng palaisipan sa mga mambabasa.
Napakabata mo pa para ka mag-asawa.Pinakamagaling si Anna sa buong klase.Walang kasingganda ang ginawa niyang parol.Ubod ng dami ang kanilang inihanda sa aramw ng kasal ng kanyang anak.Pagkahusay-husay ng kanyang nagawang komposisyon.Si Andreia ay pinaka maganda sa kanilang lahat.
1.Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.2.Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.3.Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.4.Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.5.Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.iyan ang mga sangkap o elemento ng TULA...2nd year (A.S.) werdan
Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto'y maraming tagpo.Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa wakas.Ngunit ang Dula ay Hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba't-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang Tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.Kakalasan- Tulay sa wakas.Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.kaisipan- mensahe ng kwento.Banghay- pangyayari sa kwento.