Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang ibang pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway, waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto ko na patapos na ang digmaang-pandaigdig.
"Thay, dear?"Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim, siguro'y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksyon ko.
"Dali ka, Any".Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangan kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. "Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo't nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wigwag ng kanyang ulo'y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. "Ano'ng mangyayari?" tanong niya.
"Huwag kang mag-alala," sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. "Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat." Nagising sa boses naming ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakakatanda - ang siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon - sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng aking biyenan. "Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.
"Nawath!" tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno it kay Sudath sa kama. "Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!" muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa'y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. "Sige na, Sudath," sabi ko sa panganay na lalaki. "Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?"
Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang naming kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong Magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipong naming at ang aking mga dolyar - tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita - at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon - mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.
Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin - mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo - at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.
Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo'y sakay na ng kanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad - ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malao, at patuloy na andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya'y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga ripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.
May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa'y dumating ang mga ambulansya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming magawa kundi tumigil muna.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo na kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.
Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu't limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman - tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa - ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako'y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa.
Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.
Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit nagging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.
Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.
Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha'y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aaral sa France.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo'y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo'y beinte kuatro anyos lang. hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatang kapatid ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa pag-aalaga kay Sudath habang ako'y nasa trabaho.
Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.
Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging director ng Department of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko.
Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa - humgit-kumulang sa apatnapung libo - kaya ipinag-utos ni Presindente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaan sa huli'y makakasira sa kanya at sa aminl. Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.
Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha'y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito.
Sa simula'y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong sa Estados Unids. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaan-bayan. Sinabayan ito ng nakakasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ang dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.
Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng "Ang mga mamamayang Cambodia," "Pambansang Kalayaan," "kapayapaan," "Niyutralidad," "Kalayaan," at "Demokrasya."
Ako ma'y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang proesyonal na may magkakaparehong kaisipan - mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming - laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan kasama na ang Khmer Rouge.
Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtatguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas ko siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginiit ko pang nabubulagan lang siya sa Propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sariling tauhan sa mga gerilya si Shanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-ias ng Abril, nahikayat umalis si lon NOl, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang ako sa karaniwang inhinyero. Hindi naming kailangan umalis ng bansa. Hinintay ko ang pagkatapos ng digmaan at umaasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago naming nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh - malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa't anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak - si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamlya nila, at ang aming mga magulang - tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang Makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu't isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon sa siay sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari'y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kun nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.
May bukas na isang radyo sa mesa, pero walang balita, puro tugtog military. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin si Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usapang pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang naming, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat ang trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre 'yan ng mga opisyal ng magkabilang panig�
"E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?" sabat ni Vouch.
"Nakapagtataka nga," sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas.
"Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo."
'At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya."
Bahagyang katakimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: "Ano sa palagay mo, Sarun?"
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siay noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na nakararaan. Hindi na siay tulad ng dati. Dati'y masayahin siya at mapaglaro, ngayo'y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya sa parang bata, pero minsa'y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa'y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit, ang hindki nagbago sa kanya'y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si Srey Rath.
"Ano sa palagay ko?" ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. "ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli 'yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?"
Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungko doon. Ngumiti ako't nagkibit-balikat.
"Ano ang ingini-ngiti mo riyan, Thay?" tila nanunumbat ang boses ni Keng muyla sa kusina. "Siguradong mabablik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.
Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.
Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na paa bang kababalik mula sa pamamasyal sa buon bayan. "Sim!" Tawag ni Oan na gulat na gulat. "Ba't nag-iisa ka? Nasa'n ang mga magulang mo?
ewan
"Live, my son!" is an English equivalent of the Filipino phrase Mabuhay ka anak ko! The phrase most famously references a modern novel's title, whose translation conveys a welcome to or wish for long life well lived to "you, my son" in English. The pronunciation will be "ma-BOO-eye ka-nak ko" in Tagalog.
global media association yes panibagong araw? rhianna? maligayang paglalakbay mabuhay ka anak binabati kita filipino? pinoy
Tolonges ka !
ANAK
mas bobo ka!!! tanga...anak ka ng tokwa!!!
baho ka og bilat anak ka ni entoy ...............
pasay mabuhay ka
kawri namane
mag hanap ka ng maliit na bersyon ng buod (english) tas google translate mo
Tangina. Wala akong mahanap na buod ng akjakjakjdfak;l na nobelang yan. antagal tagal ko nang naghahanap. nabuksan ko na ata lahat ng mga search results eh. wala pa rin. meron yung isa kaso kelangan pa magmember para mabasa yung buong kwento at kailangan magbayad ng almost 30 usd ata.
mag-isip ka !