ANG PAGHUHUKOM
(Bahagi ng Nobela)
Isinalin ni Lualhati Bautista
Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.
Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahonâ¦
Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan angmga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi'y patuloy na dumarating kay Fakâ¦
Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya'y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyangisipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niyabubuweltahin ang mga nanakit sa kanya.
Natatandaan niya nang malinaw nadalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tiengat Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising niya, damdam niya'y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon ang kasiyahan sa loob.
Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto'y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na akalupitan parapumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman nabalikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarinniyang makapaghiganti, naisip na lang niya:
"Kalimutan mo na iyon!"
Minsa'y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata. Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang pirasong salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari'y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili'y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal. Ang buhay niya'y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siyamakapangahas na lumabas ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o saaraw ng Sabado't Linggo.
Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taonglumalakad sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa'y wala namang kahit ano doon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa'y di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip. Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay nanagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, atantimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin ang bote parauminom hanggang sa makatulogâ¦
Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang NASA labi ng mga tao, at sa ayos ay walana iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba't ibang dahilan na humangga sa pangyayari at lahat sila'y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapatsa kanya. Bagama't sila'y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo'y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahanâ¦
"Sayang at hindi na siya namatay."
"Mabuti nga sa kanya."
"Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya."
"Ang pesteng gaya ng isang 'yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?"
May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kayFak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problemang iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong itoâ¦
"Wala akong pakialam."
May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila'y lihim nanaaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama't hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya.
Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo'y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nilaang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawang mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.
Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas namagbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sabahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitongsugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang anakâ¦
"Ay ⦠sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa 'yo, ano?"
Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isapa, wala siyang masasabi, kundi ngumitiâ¦
Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipiâ¦
May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali naming makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak natulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nitoâ¦
Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sapagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw.
Mas nag-aalala siya kayMai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.
Kalagitnaan ng Setyembreâ¦
Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawatisa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay angelektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano'y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrastaâ¦
Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sapaglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon. May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon,refrigerator, o bentilador. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid.
Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng mahahabang tubong fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal nagaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat naplantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksakito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo.
Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila'y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksayang oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong de-koryenteng ricecooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy,naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayonâ¦
Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayonâ¦
Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanagâ¦
Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng kuryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya'y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi â¦
Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ngmga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga de-kuryenteng gamit na tulad ngginagawa ng iba. At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, oiba pang de-kuryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating langmula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahonat ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao paramag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan,ang delivery van ng tindahan ng mga de-kuryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya'y darating ang tauhangmagkakabit ng antena ng t.v. Ito'y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso.
Sa bawat pagkakataon naidineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen.
"Hindi kasing linaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan," kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.
Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanongpinapansin ng mga tao na gaya ng dati. Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayang dampa at maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay.
Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya nakarapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alakâ¦
Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan naniyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayanang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin angmanilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata. Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis.
Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ngalak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas. Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito'y bunga ng labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din.
Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak aysimple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at patuloy na nadaragdagan sa bawat araw. Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.
Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa'y aalis siyang maraming dala, minsa'y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya'y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi. Kahit pa kailanma'y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabiâ¦
Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig. Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap ng kayamanan, minsa'y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa'y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguhang mga piraso ng kawad ng kuryente at kapag nakalikom na siya ng sapat nadami ng piraso ay babalik na siya sa bahay.
Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na open theater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli. Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong,
"Umalis ka dito⦠layas! kinasusuklaman kita! magpapa-ordina ako.
Ibig kong magpa-ordina. Ikaw ang dahilan kaya sige, umalis ka rito."
Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog naang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising⦠Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito,
"Umalis ka⦠ikaw⦠umalis ka ditoâ¦"
Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalitalang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhay ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabiâ¦
Hindi pumatak ang ulan sa loob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.
Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira nalang ay maliliit na trabahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawangaraw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ng mga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kutiâ¦
Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sanangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sapagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad. Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa't isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mgaalay na salapi, isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko.
Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila'y medyo lasing na at nag-umpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwisa kantahan at sayawan na nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila angkanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito'y bilangp agdiriwang sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at,gayundin, para bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahingang maghapong paggawa. Pero ang mga tao'y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila:
"Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon."
Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sanasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka'y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siyang mga itong sumayaw. Bagama't hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya.
Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsasabi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya. Gumala siya't nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya'y ipagtabuyan, pero sabi ng mgakabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaingmaibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ngmga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kuninng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya,
"Bigyan mo ako ng isa."
Sa harap nggimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik.
"Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan."
"Di bale. Marami naman ako."
Ang kabataang babae, na ang labi'y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis. Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwisa bahay bago iyon bawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi,namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nang lumabas uli.
Nang gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas. Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawangpalapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor at ang itaas ay ang bulwagangdasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryenteng liwanag. Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood sa bahay ng kanilangkapitbahay o kaibigan. Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay nagging ordinaryong bagay na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente ay namatay na.
Gusto ng ilan sa kanila'y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila angmga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila'y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo. Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na parabang pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka.
Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at bagama't ang katawan niya'y patpatin at tuyo, malaki't namamagaang kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae.Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon,lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga.Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing,
"Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan."
Sa bipa ng iba'y nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng iba'y napalitan angkanyang katawan ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ngkanyang ama.
"Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata."
Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawang isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaralin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing,
"Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?"
At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakitana hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito.
"Gawin n'yong halimbawa si Ai Fak."
Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sanayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing,
"Pag hindika huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya."
Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot. Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila,
" Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!"
" Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!"
magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa't isa sa sarili nilang kaligtasan.Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak,
"Ayos lang ako. Wala akong sakit."
At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang "Ayos," ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig. Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon.Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.
Edited by:
Pamela Dennisse G. Serrano IV-Faith
maganda meaning ng nobela
The cast of Anak ni Zuma - 1987 includes: Marilyn Bautista Florian Bernabe Dang Cecilio as Isabel Sonny Erang as Dino Mark Gil as Philip Rene Hawkins Sharon Hughes Max Laurel as Zuma Ronnie Olivar Lorraine Schuck Ernie Zarate
The cast of Anino ni Sisa - 1968 includes: Leonille Conchita Cruz Amalia Fuentes Tito Galla Lito Garcia Ester Henson Arturo Lavidez Linda Legaspi Anita Linda Miguel Lopez Ben Perez Patria Plata Judy Robledo Leopoldo Salcedo Ricky Santiago Bert Silva
Jenny Ni Chleirigh is 5' 2".
Sandra Ni Bhroin is 5' 3".
ano ang ibig sabihin ng gapo ni lualhati bautista
maganda meaning ng nobela
paghuhuk0m?.ang paghuhukom ay ang pagdating ni kristo sa mundo..
"Noli Me Tangere" ni Jose Rizal "El Filibusterismo" ni Jose Rizal "Ibong Adarna" ni Jose de la Cruz "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas "Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon" ni Edgar Calabia Samar "Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez "Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?" ni Lualhati Bautista "Mga Ibong Mandaragit" ni Amado V. Hernandez "Dekada '70" ni Lualhati Bautista "Mga Anak ng Dagat" ni Al Perez Jr.
Alipio- Siya ay isang hostess sa bar. Michael Taylor Junior- Siya ay isang singer sa bar sa Note Pad. Modesto- Matanda pero mabait. Jun- Ang anak ni Modesto. Jeffrey- Ang ampon ni Alipio.
Noli Me Tangere ni Jose Rizal Florante at Laura ni Francisco Balagtas Ibong Adarna Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual Banaag at Sikat ni Lope K. Santos El Filibusterismo ni Jose Rizal Dekada '70 ni Lualhati Bautista Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes Ang Tondo Man Ay May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz
Ang nobelang "Dekada '70" ni Lualhati Bautista ay tumatalakay sa paglalakbay ng isang pamilya sa Pilipinas noong dekada '70. Ito ay nagpapakita kung paano nakipaglaban ang bawat miyembro ng pamilya sa iba't ibang suliranin at pagbabago sa lipunan, lalong-lalo na sa aspeto ng pulitika at karapatang pantao. Sumasalamin ang nobela sa pagbabagong nangyari sa bansa sa panahong iyon at kung paano ito nakaimpluwensya sa bawat isa sa kanila.
Talambuhay ni Vilas Manwat ay isang pagsasalaysay o biyografi tungkol kay Vilas Manwat. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang detalye tungkol sa buhay, tagumpay, at kontribusyon ng naturang tao sa lipunan. Ang talambuhay ay isang paraan upang maipakilala at maipalaganap ang kasaysayan at mga nagawa ng isang tao sa kanyang buhay.
Ito Ay tungkol xsa isang taong masipag at matayaga na naging dahilan ng kangyang pagtatagumpay by: clementem Bautista Charot :)
Ang "Dekada '70" ay isang nobela ni Lualhati Bautista na naglalarawan ng buhay ng isang pamilyang Pilipino noong dekada 70. Ito ay tumatalakay sa mga pagbabago sa lipunan at politika sa panahon ng Batas Militar sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Marcos. Si Amanda Bartolome, ang bida, ay nagmumula sa isang tradisyunal na pamilya at sumasalamin sa mga hamon at pagbabago sa kanyang paligid.
magsaliksik tungkol sa teorya ng panitikan
"Ang "Walong Diwata ng Pagkahulog" ay isang maikling dula ni Lualhati Bautista na nagsasalaysay ng pag-ibig at pagkawasak ng mga karakter na sina Gabriel at Luningning. Sa pamamagitan ng mga diwata, ipinapakita ang kanilang mga damdamin at kagustuhan, na nagdudulot ng sariwa at mapait na karanasan sa buhay."