answersLogoWhite

0


Best Answer

tinamaan sya sa may bandang batok na malapit sa ulo

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Saan tinamaan si ninoy Aquino habang siya ay pababa ng eroplano?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about Philosophy
Related questions

Anong bitamina ang nakukuha sa tsiko?

Nakakapag pababa ng


What is the meaning of crab mentality in Tagalog?

meaning of crab mentality in Tagalog: nanghihila pababa


Pinag kaiba ng longtude at latitude?

longtitude: guhit pababa latitude: guhit pahaLang


Low tagalog lyrics?

**Note** ang Tretorn ay isang local na sapatos pls support pinoy products **lyrics** Chorus Mansanas Pantalon at sapatos na balbon Buong beerhouse nakalingon ayy nadapa! Bigla bigla! Nagspaghetti pabababa ng pabababa ng pabababa Pinawisang Pantalon tinalian na Tretorn Umikot siya at pinalo ko pwit niya (hoooy!!!) ayyy nadapa! Bigla bigla! Nagspaghetti pababa ng pababa ng pababa Rap 1 Uiiii stig napalingon tlga akooo tumataktaktak si aginamotoooo Si pandak ay nagloloko Tinigasan aking ulooo ang sexy niya... parang lola ginto pa ang... pustiso niya oooo.. teka lang saglit. May pulis! takbo! Ayy si pandak lang pala hello kumusta na ang buhay moo miss kita o pare koo mustang pagbenta ng tahoo Oke naman aking negosyo may bahay at lupa narin ako sa susunod na taon ko dito sa akin narin ang meralco


What is the conflict of the story malakas and maganda?

I heard that theme, i think it's like Adan and Eve but a Filipino version they came from a Bamboo.


List of commands in the Citizenship Advancement Training?

walang kilos! handa sa pag sasanay sa harap harapan harap sa kaliwa harap(raps kaliwo rap!) harap sa kanan harap(raps kanan rap!) harap patalikod harap(rap patalikod rap!) harap sa kalahating kaliwa harap(rap sa ting kaliwo rap!) harap sa kalahating kanan harap(rap sa ting kanan rap!) tikas pahinga (kas nga!) humanda (manda!) isang hakbang pasulong / paurong / pakaliwa / pakanan lakad(sang hakbang pasulong / paurong / pakaliwo / pakanan kad!) kalahating hakbang pasulong / paurong / pakaliwa / pakanan lakad(hating hakbang pasulong / paurong / pakaliwo / pakanan kad!) tongtong sa kanan na(tonton sa kanan na!) humanda harap (da rap!) tinding paluwag! - Salamat po! magsiupo na! magsitayo na! mag bigay pugay na! sa kanang balikat ang sandata(kanang balikat ta!) sa kaliwang balikat ang sandata(kaliwong balikat ta!) ibaba ang sandata(pababa ta!) patakda lakad(patakda kad!) pasulong lakad(pasulong kad!) pabalik lakad(pabalik kad) pihit sa kanan na! pihit sa kaliwo na! liko sa kaliwo na! liko sa kanan na! tingin sa kanan na! balikang sunuran na! panig na! pulutong to! pabukang taludtod kad! pabukang taludtod na! isahang bilang na! sabayang bilang na! patanghal na! patangal handa/ tanghal da! / handa sa pagtanghal handa!(da sa pagtanghal da!)


Ano ng kahulugan ng globo?

Ekwador - humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.Longhitud - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa polong hilaga at polong timog. kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitudTatlong malalaking pangkat ng latitud:Mababang LatitudGitnang LatitudMataas na LatitudNatatanging guhit sa mukha ng globo:EkwadorTropiko ng KanserTropiko ng KaprikornKabilugang ArtikoKabilugang AntartikoBy: John Eliakim Labisto (the Anonymous)Yahkim_labisto@yahoo.com


Copy of the story si Pinkaw?

Si Pinkaw(Maikling kwentong Hiligaynon)Isabelo S. SobrevegaNaalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa'y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw."Hoy, Pinkaw," sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga, "kumanta ka nag ng blak is blak.""Sige na, Pinkaw," udyok ng iba pang mga bata."Ayoko nga, nahihiya ako," pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri."Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!" nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat. Mahaba ang buhok at nakakorto llamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw."Sige, agawin natin ang kanyang anak," sabi nila sabay halakhak.Maya-maya'y nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa."Huwag ni'yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor." Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata!Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya't sinigawan ko sila upang takutin. "Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n'yo iyang panunukso sa kanya."Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya't isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:"Meyor, kukunin nila ang aking anak."Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koroneL, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon nama'y mayor. "O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak."Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata."Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay..." ang kanyang kanta habang ipinaghehehebat siya'y patiyad na sumasayaw-sayaw.Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad); ditto siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya-lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang boses-Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya'y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya'y pork-en-bins, pan de sal na kadalasa'y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad niyang tatawagin ang mga anak: "Poray, Basing, Takoy, nanadito na ako." At ang mga ito'y kaagad magtatakbuhang magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. "Pinkaw" ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paborit ong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa'y maiisip mo na totoo nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang kanyang mga anak, at ang suungi ang siyang pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili.Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak."Ang mga bata," nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. "Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob."Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo'y hindi kukulangin sa beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi.Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata."Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi naipaduktor," sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak.Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap. Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan..."Iyan si Pinkaw. kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama sa kanila.Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ngtiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi nito.Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya'y napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang ito'y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada.Pakiramdam niya'y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan. Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni Pinkaw.Kinagabiha'y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumusunod namang namatay ang bunso.Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw, sinusundan na naman ng mga pilyong bata."Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay..." ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang mga bisig ang binihisang lata.


Ano ang mga teorya ng pagbasa?

4 teorya ng pagbasaa. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.1. Bottom-up2. Top Down3. Interaktibo4. Iskimaiba't - ibang uri ng tekstong akademikoteoryang istraktural at teoryang saykolinggwistika ____remie pama____


Iba't ibang kahulugan ng panitikan ayon sa iba't ibang manunulat?

1.Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. 2.Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan. 3.Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. - lumilinang ng nasyonalismo - nag-iingat ng karanasan , tradisyon - at kagandahan ng kultura 4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.


What are the views of a jeepney driver?

Tsuper ang sikreto ng Pagasenso ng Pilipinas by: Denverking D. Gomeceria Tsuper pala ang sikreto o susi ng pagasenso ng Pinas ang sabi ko sa aking sarili habang pababa sa jeep na aking nasakyan. Natawa ako pag naaalala ko ang sinabi ng tsuper na kausap ko lang kanina. "Para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap" ang suhestion ng mamang drayber ng dyip na nasakyan ko. Mahaba ang aming napagkuwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa metro manila. Maaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad ko rin sa inyo ang kwento ng mamang tsuper. Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. "Haaaay naku" sabi ko sa aking sarili. "Walang pinagbago ang pinas". Natawa ang drayber ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang aking nasambit. Mukhang nagmamadali kayo sir ah, tanong ng drayber. Sanayan lang po yan dagdag pa nya. Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi sagot ko. Wala ka na ngang pera....trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon. Lalong natawa ang drayber sa tinuran ko. "Sir" sabi nya, matanong ko nga kayo. Sure, sagot ko naman. Naniniwala ba kayong walang pera ang pinas? Hhhhhhmmmm napaisip ako bigla sa tanong ng tsuper. Tingin ko wala! Kasi hirap ng buhay ngayon eh sagot ko sa kanya. Wag kayo sanang magagalit sir, mukhang mali ata po kayo duon ang magalang na tugon nya. Nagulat ako dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. Bakit mo naman nasabi yan manong? Kasi ganito po yun sir...may pera ang pinas kaya nga lang ay nakaipit sa itaas ang paliwanag ng mamang tsuper. Nakaipit po yung pera sa bangko ng mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa sa ating mahihirap ang dagdag pa nya. Unti unti lang po ang baba, sapat lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay tila napakahirap na buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya... .eh nasaan ang pera, tanong pa nung drayber. Kung totoong kumikita ang pinas pero hirap tayo at walang pera dito sa ibaba....ibig lang sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang negosyante ang pera, pagtatapos ng drayber. Magaling! sabi ko sa mamang tsuper. Ang galing nyo manong ah, dagdag ko pa. Matanong ulit kita sabi nya sa akin. Paano naman natin mababaliktad ang kahirapan natin ngayon? Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong ah. Madali lang yan sagot nya. O sige nga po manong...paano? Ganito yun iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas ang jipney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap.Manong Gyera po yung hinihingi nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh...tapos imbes na pababain nyo eh...itataas nyo pa. Isa pa ho, pag itinaas nyo ang pamasahe eh tataas ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ng mahihirap nyan sabi ko sa drayber. Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax..manong naman! Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema. Kada gustong pagagainin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi na lang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi nga naman pag mababa pamasahe eh makakatipid daw yung mga mahihirap dahil bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at pamasahe...eh di syempre mababa din ang pasuweldo.Para nga naman daw di bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math...eh magkano lang talaga ang matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay malaki na P1.000.00 kada buwan ang matitipid mo at P12,000.00 sa isang taon. Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap, ang sabi ko sa tsuper. Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapagaral mo ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maari siguro na makabili ka ng second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya. Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre de pamilya na may tatlong anak...ano nga naman ang magagawa sa akin ng P1,000. kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga yung kwenta nung drayber. Eh kung ganun manong ano naman ang iginanda nung suhestyon mo? Sa pagpapababa ng presyo, Hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang. Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking korporasyon. Kasi ay bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod presyo ng na materyales. Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabihin lang nun ay mas malaki ang kanilang kikitain.Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international market. Kaya naman sa pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at Hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga tsuper. Hhhhhmmmm... .may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung Hindi pagpapababa ng pamasahe ang sagot...eh ano po? Hindi mo kailangan ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang pamasahe, wala ng dahilan ang mayayaman para di magtaas ng pasahod. At kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng bawat mangagawa. Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. Matutuwa po misis ko nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko. Pero kung ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod eh wala na silang kikitain at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign investor dito sa atin dahil ang taas ng labor cost. Hindi ka nakikinig iho,sagot naman ng tsuper. Kaya nga aalisan ko na ng tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng P25billion na tax evation. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para lang di magbayad? Kung tatangalan ko sya ng tax....Hindi na nya kailangan umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung P25billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay mababawasan ang mga buwaya sa bir. Tungkol naman sa foreign investors... nakakalungkot isipin na labor lang ang kayang isipin ng ating gubyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot din na isipin na ibinebenta tayo ng ating sariling gubyerno bilang murang alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng ating mangagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa dapat din nating pakinabangan yung kung tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit pa rin na mga kano na magkaroon ng military activities o military base dito sa atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Puede tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magigng daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin nilang nakukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa bisa ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun? Haaay naku mukhang napagisipan nyo na ng husto yan manong drayber ah? Pero may isa ho ata kayo nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga negosyante.. .paano naman po tatayo ang gubyerno natin nyan? Paano na ang infrustructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno natin? Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko. Napakamot ng ulo ang mamang drayber. Haaay naku iho di ka talaga nakikinig. Kaya nga ti-triplehen ko ang tax nang mahihirap o empleyado eh. Sige mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87milyon na Filipino. 10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7 milyon lang ang mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan, dagdag ba ng tsuper.Yung natitirang 78milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin na lang natin na 50million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa mathematics. Kung dati ay nakakakuha ka ng tigpipiso, magiging triple yun, ngayon ay makakakuha ka na ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta ang BIR ng P50million.. .magiging P150million na yun. Eh Hindi lang naman 3piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh kung tatlong P500 yan! Sige nga iho imathematics mo nga. Mas magiging epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol. Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan. Magdadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa. Hanep manong ang galing nyo po ah! Isa pa iho, mas marami na ngayong ang magtutulungan na paangatin ang bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala... yung 90% na ngayon ang papasan ng ekonomiya natin. Oo nga po manong....kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka pa rin nun dahil sa taas ng bilihin. Maaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maari ngang mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo...yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo....o yung nahihrapan ka na ang pagkain mo ay fried chicken? Manong naman! tinatanong pa ba yun! Syempre dun ako sa chicken. Ano ang mas gusto mo iho....yung nahihirapan ka na nakahiga sa banig....o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama? Manong trick question po ba yan. Syempre naman dun ako sa kama! Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip ko? Nangyayari ba yun. Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po ako sa math eh! Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. Di mo naman kailangan ng math dun eh iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gaya ng Singapore, Japan, Hongkong, Canada, Australia, Amerika at England. Lahat ng bingangit ko ay may mataas na pasahod sa empleado. Lahat yun mga bansang iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may kapasidad ang mamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng foreign investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung pera sa ibaba. At dahil nga may buying power ang isang simpleng empleado na gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na... dahil may pera ka na ay kaya mo nang yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na rin ibili ng sapatos ang anak mo. Kaya mo na rin bumili ng bahay at higit sa lahat ay kaya mo nang mapagaral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung pinagmamalaki ng gobyerno na pagunlad ng ekonomiya at nung P42 per dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang. ...hehehe medyo maaambunan na tayo. Kaya lang po manong eh....sa kanilang bansa siguro pwede yun! Dito po sa pinas malabong mangyari yun! Iho akala ko ba ay empleado ka? Hindi mo ba alam na taon taon ay nangyayari yung sinasabi ko sa iyo. Mayroong buwan sa isang taon na kung saan yung embudo sa taas ay lumuluwag. Taon taon yan...Hindi nga lang triple ng sweldo pero doble naman. Kung sumasahod ka ng P10,000.00 kada buwan, may time sa isang taon na sasahod ka pa ulit ng panibagong P10,000.00. Kung ima-mathematics ulit natin eh tumatangap ka ng P20,000.00. Hah talaga ho manong? OO naman iho. Nung panahon kasi ni makoy iho ay may ginawang batas na tunay na pangmahirap. Yan ang tinatawag nating...thirteenth month pay! Sa bisa ng batas na iyan, walang choice ang mga mayayamang negosyante na magbayad ng doble sa kanilang empleado kada disyembre. Hindi ba iho, kada December puno ang mga pamilihan? Kami kada disyembre malakas ang pasada. Ganun din sa taxi at tricycle. Yung mga kumpanya malakas din ang sales gaya softdrink, appliances, sanmiguel beer at iba pa. Pag bumaba ang pera masaya ang lahat hehehe! Ang galing nyo po talaga manong! Hanga po ako sa inyo, Hanneeeep po talaga! Ang masakit nga lang nito iho....kung ako na simpleng drayber eh naiisip ko yun. Eh di lalo na yung mga mayayaman at politiko na nag-aral sa magagandang eskwelahan. Mas matatalino sila eh diba. Nasilip nila ang isang butas sa ating batas na Hindi ako sigurado kung pangmahirap na batas o pang mayaman! Ano po iyon manong? Ang ginagamit nilang pansakal sa embudo na sinasabi ko para mapigilan ang pagbuhos ng pera sa ibaba ay yung tinatawag nating minimum wage law. Sa ganang akin ay Hindi pangmahirap na batas yan. Sige nga kung talagang para sa atin yan....ikaw na simpleng empleyado na may tatlong anak....sa tingin mo ba ay kasya yung minimum na inaprubahan ng gubyerno na P350.00? Kahit siguro si Einstein ay mahihirapan sa mathematics na ginawa nila hahahaha! O sige nga subukan natin. Teka ha hmmmm....ok ganito....sa umaga bili ka ng bigas na mumurahin. Yung tig P25.00 tapos saing mo kalahati. Bili ka ng tuyo na tig P15. Sa tanghali isaing nyo yung kalahati ng bigas tapos bili ka ng itlog at 2 lucky me na aabot ng P20. Damihan mo na lang ang sabaw para magkasya hehehe. Sa gabi naman ay bili ka ulit ng kalahatin kilong bigas(P12.50) at 1 latang sardinas igisa mo sa bawang sibuyas at sangkaterbang tubig ulit hehehe, mga P20 ulit yan. Sa pagkain nyo ubos ka na agad ng P92.50. Syempre empleado ka papasok ka. Pagpalagay na nating P100. ang gastos mo. Magkano na yun P192.50. Eh kung may pinadede kang baby. at may pinagaaral ka na panganay. Kuryente, tubig at upa pa sa bahay. Project pa ng anak mo sa skul at tuition. Hindi rin naman pued na puro ka tuyo, itlog, lucky me at sardinas araw araw. Anong klaseng math kaya ang ginawa nila at nagkasya yung P350.00 hahaha. Kaya kung ako sa iyo iho sa sususnod na eleksyon ay wag ka ng pumili ng matatalino at eknomista. Kasi medyo nakakalito yung aritmetik nila eh heheheh! Ang mga halakhak na iyon ng mamang tsuper ang mga huling katagang lumabas sa kanya na aking naalala. Habang ako ay naglalakad patungo sa opisina ay naisip ko ang mga bagay bagay. Maaring marami ring butas ang suhestyon ni manong drayber. Pero maari rin namang sya ay tama. Ilang dekada na ba natin silang pinarurusahan. Ilan dekada na ba nating pinipilit ibaba ang pamasahe para bumaba ang lahat ng bilihin. Ilang dekada na ba na ipinapasa ng mayayaman ang pahirap sa mga gaya ni manong drayber. Maaari nga sigurong kapos sa pinagaralang ang drayber ng dyip na nasakyan ko...pero isa lang ang nasisiguro.. .ang kanyang sinabi ay mula sa kaibuturan ng kanyang puso!


Tatsulok na daigdig?

itoy nangangahulogan sa mga tao na ang mundo ay hindi paralang sa kanila,lalong lalo na sa mga masasamang taoNi Natsumi Soseki Salin ni Aurora E. BatnagPaakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing ³di-pantao´, at anong malay natin,baka mas kasumpasumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano¶y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba¶t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi¶t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma¶t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito.Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapatdapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, at pakiramdam mo¶y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko¶y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan.Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipirapiraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya¶y ikutan ito. Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa¶y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pagawit ng ibon, pakiramdam ko¶y masiglang nagpaparoo¶t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga¶t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo¶y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? ± Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa¶y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa¶y pasisid habang ang isa nama¶y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa¶y nalilimutan nila at sila¶y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rapeblossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa.Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod:Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol Sa pinakamatinding sakit.Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang ³di mabilang na bushel ng kalungkutan.´ Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapagalala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata.Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom, ang tanging alam ko¶y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo¶y nawala na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito¶y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba. Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya¶y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo¶y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya¶y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi ang lahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot.Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya¶y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulitulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, na walang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ay abalang-abala sa pangaraw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsanminsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan.Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mgaBurol sa Timog.Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip.Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota.Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon.Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Ang pagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isang kakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarap na pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan. May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing "may bahid ", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan,sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: " Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan." Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang "Katimugang mga Burol" at mga "Kawayanan", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundok at malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero."May alam ba kayong matitigilan dito?""May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahangahangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ng tagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawangkawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!add me : fb.com/jopert2424