answersLogoWhite

0


Best Answer
45 Kung Mangarap Ka Nang Matagal(Kabanata Labingwalo)

KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa.

"Tuloy, tuloy," sabi ni Boon Teik na tumayo't inilahad ang isang kamay. "Upo ka! Upo ka! NASA kusina ang misis ko't tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. "Me-I!" tawag nito, "Narito na si Kwang Meng!"

Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne.

"Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng," at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , "Palagay ko'y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I."

Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.

"Iiwan muna namin kayong mga lalaki," humihingi ng paumanhin si Me-I. "Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi'y hindi tayo makapaghahapunan."

"Oo ba," sagot ni Kwang Meng.

Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.

"Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?" tanong ni Boon Teik.

"Tama na ang isang beer."

Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa'y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo'y sama-samang kuwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.

Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin.

"Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n'yo, Boon Teik."

"Hindi kami gumasta ng malaki riyan," sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro 'yon, kilala rin iyon bilang Thieves' Market."

Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives' Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pa'y binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.

Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik.

"Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito," sabi ni Kwang Meng.

"Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa ka't magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na namin ito."

"Maganda talaga ang pagkakaayos mo," bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon.

"Sa palagay ko'y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito."

"Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik."

"Pinipilit ko. Lahat tayo'y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin."

"Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?" tanong ni Kwang Meng.

"Walang bagay na talagang walang kahulugan," pagpapalagay ni Boon Teik.

Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.

Ngunit sa halip, sinabi niya, "Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan." Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya.

"Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba't ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan."

"Siguro nga. Pero hindi ba't ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan."

Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon," sabi ni Boon Teik.

"Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin."

"Hindi naman," tutol ni Boon Teik.

Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o Mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik.

"Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan."

Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, "Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng demokrasya."

Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan.

"Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan," sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. "Pero sa huli, ang talagang problema'y kung paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila'y mahalaga't makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan," dagdag ni Boon Teik.

"Pero hindi pa rin 'yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no'n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?" salag ni Kwang Meng.

"Hindi nga," sang-ayon ni Boon Teik. "Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob ma lang."

"Paano iyon magagawa, Boon Teik?"

"Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan upang malaman nila ito."

"Hindi ba't ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?"

"Oo."

"At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin."

Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.

Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.

Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I.

"Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?" tanong ni Anne.

"H'mmmmmm! Ang sarap, Me-I," pagpupuri ng Kwang Meng.

"Oy, masarap ding magluto ni Anne," sabi ni Me-I.

Namula si Anne. "Hindi kasing-husay mo," nginitian ni Anne ang pinsan.

"Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng," sabi ni Boon Teik. "Kailangang matikman mo ang luto ni Anne."

"Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo," sabi ni Me-I.

Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae.

Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa'y sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.

Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito ("Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain," sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.

Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms' symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan doo'y paperbacks sa literatura, history at politics.

"Masyado ka palang palabasa," sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid.

"Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano'n din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko."

"Sana marami na rin akong nabasa," sabi ni Kwang Meng.

"Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto."

"Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa."

"Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano'n hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura."

Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan.

"Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!", sabi ni Kwang Meng.

"Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan," payo ni Boon Teik, "siguradong matatawa ka riyan."

Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila'y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee.

"Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?" tanong ni Anne. "Patingin kung alin-alin iyan."

Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro.

"A, nakakatawa ang isang ito," sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan.

"Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya," sabi ni Me-I sa kanyang asawa.

"Wala akong makita," sagot ni Boon Teik. "Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops."

Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore kahit kailan.

"Tapos na ang plaka, Teik", sabi ni Me-I.

Lumapit si Boon Teik sa record player.

"Huwag ka nang magpatugtog ng bago," sabi ng asawa nito. "Kausapin na lang natin ang ating mga bisita."

Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.

Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan.

Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.

Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy.

"Rain trees", sabi nito. "Hindi ba matanda na sila't maganda?"

"Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi."

"Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan," sabi nito.

Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama.

Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng Badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya't madaling nakatulog.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago

kung tumae ka ng matagal

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
βˆ™ 4y ago

Saan ang tagpuan?

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Buod ng kung mangarap ka ng matagal?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about TV & Celebs

What is nutri trivia?

Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago Puta Ka Gago Ka Pa Ulol .., Wala Pang Sumasagot Gago


In what movie was the ka ka Katie song?

I think it was "The Way We Were"


How tall is Shing Ka?

Shing Ka is 5' 9".


Which artist performed the song 'Ka Ka Katy'?

Patrick Montes


When was Maa Ka Aanchal created?

Maa Ka Aanchal was created in 1970.

Related questions

Ano ang wakas ng mangarap ka ng matagal?

Tangina. Wala akong mahanap na buod ng akjakjakjdfak;l na nobelang yan. antagal tagal ko nang naghahanap. nabuksan ko na ata lahat ng mga search results eh. wala pa rin. meron yung isa kaso kelangan pa magmember para mabasa yung buong kwento at kailangan magbayad ng almost 30 usd ata.


What are the ratings and certificates for Mangarap ka - 1995?

Mangarap ka - 1995 is rated/received certificates of: Philippines:G


Nobela sa kung mangarap ka ng matagal?

Ang nobela ni Genoveva Edroza-Matute na "Kung Mangarap Ka't Magising" ay naglalarawan sa isang dalaga na nagkakaroon ng romantic na relasyon sa kanyang nagiibigang lalaki na sa huli'y nagsisilbing naging inspirasyon niya sa kanyang mga pangarap at ambisyon sa buhay. Ito ay isang klasikong aklat ng panitikang Filipino na nagsasalaysay ng pag-ibig, pagtitiwala, at pangarap.


Tauhan sa Kung Mangarap ka ng Matagal?

Tauhan sa is one of those cases that features greatest greatness, that takes professional attending regarding


Buod ng Sona?

Tolonges ka !


What is the duration of Kung Mawawala Ka?

The duration of Kung Mawawala Ka is -2700.0 seconds.


When did Kung Mawawala Ka end?

Kung Mawawala Ka ended on 2003-06-06.


When was Kung Mawawala Ka created?

Kung Mawawala Ka was created on 2001-04-23.


What are the ratings and certificates for Kung mawawala ka pa - 1993?

Kung mawawala ka pa - 1993 is rated/received certificates of: Philippines:G


Tagalog version at buod ng troy?

mag hanap ka ng maliit na bersyon ng buod (english) tas google translate mo


Ano ang buod ng ang pagkamatay ni tiyo Samuel?

mag-isip ka !


Buod ng pusong walang pag-ibig kabanata 22?

boto ka sa kagang